Happy Mother's Day, Nanay!
Hahaha! I wish I do have enough courage in saying these words to my mother. Yeah! I may be the person who can say anything and everything into writing but I never have the courage in uttering words like this.
Some people, no most people knew me as a fighter who speaks my mind and even see's me as their protector but it was just my other side of personality. I don't know why but I can't express my real feelings for my loved ones. Never I did say "I love you" to my mom. Though I know I am able to let her feel my love for her, I think it wasn't that enough.
I never did say "thank you" but deep in my heart I was really thankful of having her as my mother. Never did I say I am proud to be her daughter cause I never had the courage to say that to her nor to my friends. But now I want to tell all those who can read this blog of mine my message to my mother.
Dear Nanay,
Sa nakalipas na 28 taon ikaw ang aking naging gabay. Simula noong ako ay matutong lumakad hanggang sa mga oras na ito patuloy pa rin ang iyong paggabay hindi lang sa akin kundi na din sa aking anak.
Alam kong bihira tayong mag-usap ng tungkol sa mga personal na bagay dahil sabi mo nga ayaw mo ng drama. May beses man kitang nakitang umiyak pero pilit ka pa ring lumalaban hindi lang para sa iyong sarili kundi para aming magkakapatid. Alam kong hindi lang tungkol sa ating pamilya ang iyong iniyakan kundi maging sa mga maling bagay na aking ginawa. May mga naging desisyon man akong naging dahilan ng iyong pag-iyak at alam kong higit na nakasakit sayo pero patuloy mo pa rin akong sinoportahan.
Malaki ang aking pasasalamat dahil sa walang kupas mong pagmamahal sa amin lalo na sa akin. Dahil hindi pa man ako humihingi ng tawad sa mga maling bagay na aking ginawa ay ramdam ko na ang iyong pagpapatawad at pilit mong pag-unawa sa aking mga desisyon.
Nay, alam ko kung gaano kasakit ang mga maling bagay na nagawa ko sa'yo. Alam ko ding na-disappoint ka sa mga naging desisyon ko nung mga nakaraang taon. Sorry! Hindi ko naisip noon na masasaktan kita. Ang inisip ko lang ay ang sarili ko.
Dati, madalas na hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi mo sa akin pero ngayon nauunawaan ko ng lahat. Wala kang hinangad na ikasasama ko. Salamat sa lahat! Buong buhay mo ay binigay mo na sa aming magkakapatid at patuloy mo pa ring ibinibigay sa aming anak.
Sa buong buhay ko ikaw ang nagtaguyod sa amin. Hindi ko man mapantayan ang mga bagay na iyong ginawa sana ay hayaan mo akong suklian ang iyong pagmamahal sa alam kong paraan.
Nay, madalas kong marinig na "pinagmamalaki ko si imee" at ang mga salitang "si imee ang bumubuhay sa amin"...ngayon hayaan mong itama ko ang katagang ito. Ipinagmamalaki ang maging anak mo, nay! Dahil kahit na anong unos ang dumating sa buhay mo ay hindi kita nakitang sumuko. Hindi kita nakitang gumanti sa mga taong nakasakit sayo. At hindi din kita nakitang magmura o nakipag-away.
Nay, hindi ako ang bumubuhay sa inyo. Ikaw ang bumuhay sa amin at patuloy na bumubuhay. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nandito sa mundong ito.
Sana kahit hindi ko madalas o ni minsan ay hindi ko sayo nasabing mahal kita ay naramdaman mo ang aking pagmamahal sayo.
Happy mother's day, Nay!
Salamat sa pagiging ina sa amin at sa aking anak!

0 Response to "Happy Mother's Day, Nanay!"
Post a Comment