Buhay Ibang Bansa
Marami ng mga Pilipino ang nakipagsapalaran sa ibang bayan at patuloy pa ring dumarami ito sa pagdaan ng taon. Kung tatanungin sila halos iisa ang kanilang hangarin ito ay magkaroon ng maayos na buhay para sa kanilang mga minamahal. Ito'y sa kanilang paniniwalang hindi nila makakamtan ang maayos na buhay sa bansang kanilang sinilangan. Hindi natin sila masisi kung bakit nagkaroon sila ng ganoong paniniwala dahil na rin sa nangyayari sa ating paligid. Ngunit hindi rin kaila sa atin na hindi lahat ng mga nagsialis ng bansa ay bumalik na matagumpay.
Ang pangingibang bansa ay isang malaking pakikipagsapalaran. Ang mga panuntunan at batas duon ay hindi kasing luwag ng sa atin. Ngaunit kung ating iisipin bakit nagiging masunurin ang mga Pilipino sa batas ng ibang lahi kaysa sa ating sariling bansa? Ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang basurahan ay ni hindi man lang magawang sundin ngunit sa Singapore ay kanilang iniuuwi ang basura wag lamang makulong. Hindi ba't nakakatawa? Ilang simpleng batas ba natin ang patuloy na nilalabag ng mga tao? Malimit ang mga simpleng batas na ito'y hango din naman sa batas ng bansang kanilang ninais puntahan o baka nga sila'y nakatapak na sa bansang ito at sila'y nagiging isang huwarang mamamayan duon.
Isang maling paniniwala din na ang mamuhay at magtrabaho sa ibang bansa ay malaking ginhawa sa pamilyang kanyang iniwan. Maaring tama sa iilang kung kaya't may mga taong kung makasandal sa kanilang kapamilyang nasa ibang bansa ay ganun na lamang. Na sa tuwinang tatag ang kawawang OFW ay lagi na lang hinihingan ng kung anu-ano. Sana lang ay isipin natin na hindi ganun kadali ang buhay nila sa ibang bansa. Oo malaki ang sahod nila kung ikumpara sa piso. Ngunit tandaan naman sana na hindi piso ang gamit nila sabansang kinalalagyan nila. Hindi ba't ilang istorya na ang pinakita sa telebisyon kung paano sila magtipid? Makapagpadala lang ng malaking halaga sa kanilang pamilyang naiwan.

July 23, 2009 at 5:39 PM
hi sis....thanks for dropping by my site...
i understand your concern about the OFWs...ako nga di ko pinapayagan si Hubby kahit sabihin pa na i could be a SAHM pag nagabroad sya...at least pag andito sya magkasama kami sa hirap at ginhawa...
Jian´s 7th Bday Party Part 1
July 23, 2009 at 5:44 PM
Amen to that sis, malaki nga ang kita sa ibang bansa pero di masaya. Iba pa rin ang nasa sariling bayan natin, yung tipong at home na at home ka... babalik ako sa Pinas isang araw at di na aalis.
July 23, 2009 at 8:10 PM
Korek!
Kaya nga naawa ako sa mga OFW natin na naghhirap sa ibang bansa habang ang pamilya nila ay walang habas gumastos.
Anyway, thanks for commenting!