The War Between Money and Love

Ok let me blog this out in my native language to be sure that I'll be telling the right and proper words....

Alam kong madaming may problema sa pera sabi nga di ba bakit ang pera may tao pero ang tao walang pera? Hay, ilang beses ko ng narinig ang bagay na yan minsan nga nagiging joke of the town na lang.

Anyway, ang napapansin ko pa bakit ba ganun na lang kalaki ang epekto ng pera sa isang relasyon?

Sabi nga ng matatanda kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kapag kumalam na ang sikmura mo eh iiwan mo pa rin yan. Pangit tignan pero madalas na iyon ang nangyayari. Bakit? Hindi ko masasagot ng diretso dahil iba-iba tayo ng pananaw...Siguro isang dahilan ay mas dumarami ang praktikal sa mundo ngayon kaysa ang emosyonal. Kaya nga madalas din nating marinig ang salitang hindi nakakain ang pagmamahal. Pero mapapasaya ka ba ng pera lang at walang halong emosyonal?

Siguro nga may katotohanin din kahit paano ang kasabihang money makes the world go round pero hindi ibig sabihin ay maibibigay lahat ng pera ang ating kaligayahan. Maaring sa simula sasaya tayo kung sa anong bagay na ating mabibili dito pero paglumaon at nagsawa tayo babalik pa rin ang pangungulila.

Minsan na din akong namili sa pagitan ng pera at pag-ibig nung una ang pinili ko pera. Siguro dahil bata pa ako noon at maraming hinahangad sa mundo. Naisip ko na ayaw kong mabuhay sa hirap at gutom. Pero ilang buwan lang ang nagdaan napansin kong hindi tama ang naging desisyon ko kaya sinabi ko na hindi ako liligaya sa pera.

Oo nabibili ko lahat. Nakakapunta ako sa mga lugar na di ko napuntahan pero anong naging kapalit? Hindi ko naman masasabing na-enjoy ko ang mga bagay na iyon. Laging may kulang. May lungkot. MInsan nga pakiramdam ko hindi ako nabibilang sa mundong iyon.

Kaya ng bigyan ulit ako ng pagkakataon na pumili pinili ko ang pag-ibig. Eto ako ngayon, nagmamahal sa isang taong hindi masasabing mapera pero nagsusumikap na ibigay lahat ng kaya niyang ibigay sa amin ng buong puso. Minsan ako pa ang nagpupuno sa mga pagkukulang niya sa aspetong pinansyal pero masasabi kong masaya kahit na minsan ay kinakapos. Nagagawa kong tawanan ang mga problema. Mas nararamdaman kong mahal namin at kailangan ang isa't-isa.

Sabi ko nga ang pera hindi mahirap kitain basta desidido ang isang taong kumita. Maraming paraan para magkaroon ng pera basta gustuhin mo lang. Pero ang pag-ibig hindi madaling hanapin yan. Lalo na kung tunay na pag-ibig yan.

Alam kong madaming kabataan ang mas ginugustong magmahal ng may pera walang masama duon basta ba tunay ang pag-ibig mo sa taong iyon at hindi lang dahil sa pera. Kaya nga sinabing pag-iibigan dahil puso ang dapat pinaiiral hindi presyuhan para isip ang paganahin. Ganun pa man nasa tao pa rin yan. Iba-iba pa rin tayo ng pananaw at prinsipyo. Nawa'y lumigaya kayo sa inyong pipiliin.
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

1 Response to "The War Between Money and Love"

  1. G says:
    June 1, 2009 at 1:41 AM

    siguro kailangan humanap ng balanse sa pagitan ng dalawang iyan. hindi ko hinuhusgahan yung mga tao na pumili ng isa sa mga iyan kasi may kanya-kanya tayong rason sa paggawa ng ating sariling desisyon. siguro isipin mo na lang yung makakatulog ka sa gabi. haay. lalim :)

Post a Comment

Copyright 2009 anything under the sun
Free WordPress Themes designed by EZwpthemes
Converted by Theme Craft
Powered by Blogger Templates