Anong dapat kong gawin?

Eversince I got my first job I made sure that most of my salary goes to my family. Sa mom ko, sa lola at lolo ko at sa mga kapatid ko. And now that I have my baby syempre included na sya sa budget ko.

When I got pregnant bumukod na kami sa mom ko dahil na rin sa kagustuhan ng husband ko. But my financial support still continues to my mom kahit na nga nung nawalan ako ng work I made sure na may nabibigay pa rin ako sa kanila from my own pocket. Wala na kasing inaasahan ang mom ko dahil wala naman syang work.

This May 2009, bumalik ako sa mom ko dahil na rin sa hiling nya na dun muna kami ng baby ko. Dahil hirap din ako sa araw-araw na byahe from Bulacan to Ortigas pumayag ako. I shoulder all the expenses in our house. For me that's fine walang kaso dun dahil yun naman yung set-up even before I got my own family pero ang di ko lang nagustuhan. Until now may ibang mga kamag-anak kaming patuloy na umaasa pa rin sa mom ko.

Actually, just last weekend nakapagsalita na ako ng di maganda dahil sa sobrang inis ko sa mga taong yun. Imagine, daily binibiyan na sila ng ulam ng mom ko tapos pati pa pala bigas eh sa amin pa rin. Kung minsan naman ipapakita nilang may food sila pero dun pa sa bahay ng mom ko iluluto so gas pa rin yun na binili ko pati na rin mantika or kung anong gamit sa pagluto nila eh sa amin kukunin. Tama ba yun?

Sa sobrang bwisit ko tuloy sinabihan ko sila na, "Wala naman palang silbi abhay nyo! Hakutin niyo na gamit niyo at dito na kayo tumira! Tutal lahat naman dito niyo kinukuha!" Alam ko dahil dun sumama ang loob ng mom ko. Ayaw kasi niyang sinasabihan ng di maganda ang mga kamag-anak niya pero di ko talaga napigilan.

Ngayon nga iniisip ko...ano kaya kung bumalik na lang kami ng anak ko sa Bulacan? Dun sa in-laws ko? Pero kapag ginawa ko yun mababawasan yung financial support ko sa mom ko dahil sa laki ng pamasahe ko.

Hay naku naguguluhan na talaga ako....
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

0 Response to "Anong dapat kong gawin?"

Post a Comment

Copyright 2009 anything under the sun
Free WordPress Themes designed by EZwpthemes
Converted by Theme Craft
Powered by Blogger Templates